Follow our Telegram channel to get notified instantly whenever new books are published.
Hes Into Her S3 – Maxinejiji (1)

Tigilan mo si Deib Lohr.” Sinabi iyon ni Almeyra habang nakatitig sa aking mga mata. Nilabanan ko ang mga tingin niya. “I can’t.” “Eerah!” bulalas niya. Nagbaba ako ng tingin. “Bakit ba pulos paghihiganti na lang ang laman niyang utak mo?” “Alam mo, at ilang beses ko nang sinabi sa iyo ang dahilan, Almeyra.”
“Pero bakit siya?” “I want him to suffer. I will make them suffer. All of them.” “Masyado pa siyang bata para maranasan ang lahat nang ito. Ano ba ang nangyayari sa iyo?” Hindi na ako sumagot. Sa halip ay tumayo ako at kumuha ng isang bote ng alak. Nang makabalik ay ipinagsalin ko siya at saka ako sunod-sunod na lumaghok. Nababalutan ng ulap ang isip ko. Bagaman alam kong masasama ang lahat ng laman niyon ay wala ako sa katinuan para piliin kung alin ang tama.
Ang tanging hangad ko ay ang makapaghiganti. “When will you stop, Eerah?” mayamaya ay tanong ni Almeyra. Hindi ko iyon inaasahan kaya gulat akong napatitig sa kaniya. Sinsero ang kaniyang mga mata at naroon din ang pag-aalala. Napailing ako at hindi nakasagot. “This is not you, Eerah. I know you. Hindi ka ganito.” “Almeyra, please, stop.” “No, Eerah. Kahit ngayon lang ay makinig ka sa akin. I know that you can make this stop.
Alam kong hindi ka kasinsama ng mga inamin mo sa ‘kin kanina. Alam kong mabuti kang tao, at habang may panahon pa ay tulungan mo ang sarili mong magbago.” Nang sandaling iyon ay nagsisi akong inilahad ko pa ang buong katotohanan sa kaniya. Naisip ko nang ganito katinding pangongonsensya ang gagawin niya, itinuloy ko pa. “Kung magiging ganoon lang sana kadali iyon, Almeyra.”
Nauubusan ng pag-asang sabi ko. “Pero nandito na ‘to. Hindi ko pwedeng baguhin ang nasimulan na. Wala kaming ibang paraan kundi tapusin ang nasimulan nang lakaran.” “Hindi totoo iyan, Eerah. Mag-isip kang mabuti.
You can now watch HE’S INTO HER SERIES WORLDWIDE for FREE on iWANTTFC app, starring Belle Mariano as Maxpein del Valle and Donny Pangilinan as Deib Lohr Enrile. You may follow me on the following social media platforms: Website: www.maxinejiji.com Facebook: www.facebook.com/maxinejijistories Facebook: www.facebook.com/hesintoher Twitter: www.twitter.com/maxinejiji Instagram: www.instagram.com/maxinejiji Lyka: maxinejiji Tiktok: maxinelat Youtube: www.youtube.com/maxinejiji You may also read my other stories for free here: www.wattpad.com/maxinelat Thank you and stay safe! – MAXINEJIJI <3 DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. © HESINTOHER.All Rights Reserved. Maxinejiji. 2013. OceanofPDF.com CHAPTER 171 CHAPTER 171 DEIB’S POV MAHIGIT isang buwan na ang lumipas mula nang makauwi kami galing sa Palawan. Nakabalik kami sa Laguna nang ligtas ngunit puno kaming lahat ng kaba, tanong at agam-agam. Masiyado kaming alisto, alerto sa pag- iingat kahit sa anong bagay.
Sakay ng private jet ay naunang umuwi ang mga Moon, maliban kina Taguro at Heurt. Gaya nang sinabi ni Heurt ay hindi nila kami iniwanan at pinabayaan. Nanatili sila ni Taguro sa tabi namin upang pare-pareho kaming bantayan. Sumabay sa mga Moon si Chairman Enrile, at sa pagitan ng ilang oras ay bumalik ang private jet upang sunduin naman kaming mga naiwan. Hindi na nagawang maligo ng karamihan nang oras na iyon.
Lahat ay napuno na ng takot at hindi na malaman kung ano ang gagawin. Pare- pareho ring tulala. Lahat kami ay dumeretso sa mansyon ng mga Moon pagkabalik ng Laguna. Doon ay nagpaumanhin si More sa hindi inaasahang sitwasyon. Body guards din nila ang naghatid sa ‘min sa kani-kaniyang bahay. Walang makapagpaliwanag kung ano ang dahilan nang mga nangyari. Hindi namin nabuo ang isang linggong pananatili ro’n gaya ng usapan. Hindi kasi gano’n ang inaasahan namin. Takot na takot si Noona nang oras na iyon.
Matapos kasi niyang umiyak nang dahil sa saya no’ng ikasal siya, ay umiyak siya nang dahil sa takot na naramdaman dahil sa kaguluhan. Hindi niya binitiwan ang anak at panay rin ang hagulgol nang araw na iyon. Nang mga sumunod na araw naman, sa pananatili namin sa sariling bahay ay pare-pareho kaming praning. May mga pagkakataon kasing may dumaraang helicopter sa ibabaw ng bahay namin. Parang nanunumbalik sa ‘ming pare-pareho ‘yong pakiramdam nang sandaling ‘yon sa Palawan.
May sandali ring kaunting kalabog lang ay nagtatakbuhan na sina Manang, Mommy at Noona pababa, umaasa sa magagawa namin nina daddy at Randall. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa isip ko ang mga naganap.
This is a short excerpt from the opening of “” by Unknown, quoted for review and introduction purposes. All rights belong to the copyright holders.
Book Information
- Unique ID: 1dc3b7b716f723bf
- File Extension: .pdf
- File Size: 9,741,054 bytes (9.29 MB)
- Title: –
- Author: Unknown
- Pages: 2370
- Language: TL (tl)
Reading & Word Statistics
- Estimated Reading Time: 3903.58 minutes
- Total Words: 780,716
- Total Characters: 4,713,171
- Average Words per Page: 329.42
- Average Characters per Page: 1988.68
Most Frequent Words
ang (39433), hindi (15009), ako (14633), niya (11375), nang (9251), siya (8452), mga (8299), lang (6864), kong (6552), kung (5761), akong (4899), naman (4305), iyon (3972), kin (3222), dahil (3177), siyang (3068), yon (2951), wala (2889), rin (2804), taguro (2634), niyang (2531), kaniya (2180), saka (2149), tingin (2110), gusto (2027), alam (1996), ano (1959), lahat (1906), kami (1812), tanong (1740), agad (1724), namin (1719), maxpein (1701), bakit (1696), kay (1676), ngayon (1609), chairman (1589), habang (1536), ito (1524), nga (1487), kaya (1480), akin (1446), nila (1436), sabi (1409), mata (1359), gano’n (1355), lovemir (1345), sinabi (1324), bago (1253), sensui (1245), walang (1219), deib (1215), yong (1208), sila (1183), talaga (1176), kahit (1150), mukha (1146), kaniyang (1143), ngunit (1142), pakiramdam (1141), eerah (1126), mas (1112), kamay (1103), nasa (1085), kaming (1077), lohr (1064), paningin (1056), iyong (1051), babe (1036), aking (1017), sarili (1014), bang (998), maxwell (986), doon (960), dahilan (953), isang (949), galit (923), lalo (916), isa (909), muli (880), matapos (874), kailangan (870), isip (869), kasi (866), tsaka (853), parang (838), tayo (837), din (833), muling (822), nilingon (819), mong (817), saan (802), dito (785), makita (781), kapag (779), hanggang (774), maging (750), bigla (747), moon (737), i’m (727).
